Ang lungkot na nang henerasiyon na ito. Puno nang mga hindi totoo at pasikatan nalang sa social media. Laging may magdodown, lagi mo nalang tinatanong sa sarili mo kung anong halaga mo, kung maganda ka ba? Kasi yung "kagandahan" na pinapakita sa social media ay malayong-malayo sa itsura mo.
Sa paaralan, tila ba palungkot nang palungkot ang mga estudyante. Hindi na sila nasisiyaang mag-aral nawawalan na sila ng ganang mag-aral, ultimo mabuhay. Nagsasabay-sabay ang problema niyo sa bahay, kundisyon ng puso mo, pressure sa school tas sumama pa diyan yung mga taong laging nagdodown sayo. Nakakapagod, diba? Nakakasawa.
Alam niyo ito ay isang bagay na malimit ipagpa-walang bahala ng mga tao. Ang mga kalagayan ng ating emosiyon at pangkaisipan. Depression at anxiety ang pangunahing mental disorders na kinakaharap ng mga kabataan ngayon. Mahirap ipaliwanag kung ano talaga yung eksaktong pakiramdam, basta nakakapagod, nakakatakot.
Nakakapagod kasi, kahit anong gawin mo hindi mo na mahanap yung dati mong sigla at interes sa pag-aaral. Hindi ito dahil sa away mo nang mag-aral, kundi dahil nawala mo na yung sarili mo, yung interes mo sa mga bagay na ginagawa mo noon. Nakakapagod kasi, hindi mo na alam kung anong uunahin mo. Kung uunahin mo ba yung sarili mong kalagayan o yung mga activities and projects na sabay-sabay ang deadline. Nakakapagod kasi, parang di mo na mahanap yung rason mo para mabuhay. Nakakapagod kasi, sawang-sawa kana sa pakiramdam na wala kanang maramdaman kundi pagod lang.
Nakakatakot kasi, feeling mo kahit anong kilos mo huhusgahan ka nila. Nakakatakot kasi, baka mali pala yung ginagawa mo. Nakakatakot kasi baka yung gagawin mo pala makakasakit sa damdamin niya. Nakakatakot kasi, pakiramdam mo lagi ka nalang mali at wala ka ng magagawang tama.
Hindi madaling mapunta sa ganoong sitwasiyon. Yung pakiramdam na gumising ka isang umaga, ayoko mo nang bumangon, kasi pagod na pagod na pagod kana sa buhay mo. Yung kahit saan ka lumingon parang ang tamlay, walang buhay. Wala kanang ganang gawin yung mga bagay na kinatutuwa mo noon, kahit pagkain. Yung pakiramdam na kahit anong sabihin ng taong mabuti sayo, iba parin ang paraan ng pagpapa-intindi ng demoniyo ng utak mo. Kaya nanaisin mo nalang ilayo yung sarili mo sa kahit sino. Gabi-gabi kang umiiyak dahil sobrang bigat ng dinadala mo. Hanggang sa darating ka sa puntong gusto mo nang mamatay, kasi wala ka lang din namang maramdaman kundi pagod at sakit. Ang hirap. Para kang nakakulong sa kalungkotan at wala ng ibang daan para matapos kundi ang mamatay.
Pero tama nga yung sinabi nila, kapag napagod ka magpahinga ka, wag kang sumuko. Pwede kang lumiban sa klase ng isang buwan para makapagrecover at lubusang makapagpahinga. Maari kang magpakunsulta sa psychiatrist (nararapat lang). Magbakasiyon ka o kahit ano pa yan basta magpahinga ka sa mga bagay na nagdudulot ng stress sayo. Lumayo-layo ka sa lugar na nagtritrigger sa nararamdaman mo. Pansamantalaang pamamahinga ang kailangan mo at pananampalataya (kung ikaw ay Kristiyano).
Sa awa nang Diyos matapos ang mahigit isang buwan na pahinga at gamotan, naging mas maayos na ang aking lagay. Unti-unting bumabalik ang sigla sa aking buhay. Sa mga sumunod na buwan may mga araw paring bigla nalang akong dinadalaw ng sobrang kalungkotan, pero kaya ko na agad bumangon pagatapos ko itong maramdaman.
Sobrang binasag ako nang Diyos nang makailang ulit. Sa paulit-ulit na nayun madami akong natutunan at mas lalo akong natutong lumaban. Sa buhay na to, lahat may rason. Kailangan mo lang ibukas ang iyong mga mata't isipan para makita ito.
Natutunan ko na lahat nang sakit ay may maidudulot na aral at saya sa dulo, na siyang mas bubuo sa pagkatao mo. Kaya magpasalamat kang nasasaktan ka ngayon, wag kang sumuko, dahil darating ang araw magpapasalamat kang naranasan mo ang sakit na yan.